Showing posts with label Chicken. Show all posts
Showing posts with label Chicken. Show all posts

Saturday, July 11, 2026

Buttered Chicken Recipe | Creamy Filipino Style Buttered Chicken

 

Filipino Style Buttered Chicken with crispy chicken pieces coated in a creamy buttery garlic sauce, garnished with chopped parsley, served on a white ceramic plate.

Ang Buttered Chicken ay isa sa mga paboritong lutong-bahay na kilala sa malutong na pritong manok na binalot sa creamy at buttery na sarsa. Ang kombinasyon ng butter, bawang, at gatas ay nagbibigay ng masarap at malinamnam na lasa na siguradong magugustuhan ng buong pamilya.

Sa recipe na ito, matututunan mo kung paano gumawa ng Filipino-style Buttered Chicken gamit ang simpleng mga sangkap. Madali itong ihanda at bagay na bagay sa mainit na kanin, kaya perpekto ito para sa tanghalian, hapunan, o kahit espesyal na okasyon.

Monday, June 29, 2026

Chicken Afritada Recipe – Masarap at Malinamnam na Lutong Bahay



Chicken Afritada na may malalambot na piraso ng manok, patatas, carrots, at makukulay na bell peppers sa mayamang tomato sauce na nakahain sa puting mangkok.



Ang Chicken Afritada ay isang klasikong lutuing Pilipino na kilala sa mayamang tomato sauce at malalambot na piraso ng manok. Madalas itong ihain sa mga espesyal na okasyon at maging sa pangkaraniwang hapag-kainan.

Pinagsasama ng ulam na ito ang manok, patatas, carrots, at bell peppers upang makagawa ng masustansya at nakakabusog na pagkain para sa buong pamilya.

Kung naghahanap ka ng masarap at madaling lutuin na ulam, siguradong magugustuhan mo ang simpleng Chicken Afritada recipe na ito.

Monday, June 22, 2026

Paano Magluto Ng Sweet and Sour Chicken: Isang Malutong, Makatas, at Nakakatakam na Ulam

 



Kung naghahanap ka ng ulam na siguradong magpapasaya sa buong pamilya, ang Sweet and Sour Chicken ang tamang piliin. Isa ito sa mga pinakapaboritong pagkain dahil sa kakaibang kombinasyon ng tamis at asim na bumabalot sa malutong na pritong manok. Dagdag pa rito ang makukulay na gulay at matatamis na piraso ng pinya na nagbibigay ng sariwa at masarap na lasa sa bawat subo. Madali lang itong lutuin sa bahay at siguradong parang restaurant-quality ang resulta.

Sunday, June 21, 2026

Piniritong Puno ng Pakpak Ng Manok



 
Isa sa masarap prituhin na bahagi ng manok ay ang puno ng pakpak nito or kung tawagin sa English ay drumette, gusto ko ang bahagi na ito dahil may laman at buto kaya malinamnam, at napakadali pang lutuin kaya ito ang paborito kong parte ng manok. Ikaw kabayan ano ang paborito mong bahagi ng manok?

Monday, December 29, 2025

Paano Magluto ng Masarap na Adobong Paa Ng Manok

 

alamin paano magluto ng masarap na adobong paa ng manok o adidas

Ang Adobong Paa ng Manok ay isa sa mga paboritong lutuing Pinoy na swak sa budget pero hitik sa lasa. Malambot, malasa, at bagay na bagay sa kanin, ito ay patunay na kahit simpleng sangkap ay puwedeng gawing espesyal kapag niluto nang tama.

Saturday, December 27, 2025

Chicken Teriyaki Recipe – Malambot at Malinamnam na Japanese-Style Chicken Dish

 

Chicken Teriyaki na may makintab na homemade teriyaki sauce, binudburan ng sesame seeds at hiniwang spring onions, nakahain sa puting plato kasama ng mainit na kanin.


Ang Chicken Teriyaki ay isang sikat na Japanese-inspired dish na minamahal dahil sa malambot nitong karne ng manok at makintab na matamis-alat na teriyaki sauce. Madali itong ihanda kaya paborito ito bilang pang-araw-araw na ulam o baon.

Ang sikreto ng masarap na Chicken Teriyaki ay ang tamang timpla ng toyo, brown sugar, at iba pang sangkap na nagbibigay ng malalim na lasa sa bawat kagat. Pinakamainam itong ihain kasama ng mainit na kanin at steamed vegetables.

Kung gusto mong gumawa ng restaurant-style Chicken Teriyaki sa bahay, sundin ang simpleng recipe na ito.


Thursday, December 11, 2025

Sweet and Spicy Chicken Wings Recipe- Sarap Tamis-anghang na Iyong Babalikbalikan




Sa Sweet and Spicy Chicken wings recipe na ito siguradong magugustuhan ng buong pamilya lalo na kung mahilig kayo sa tamis-anghang na lasa. Napakasarap lalo na kung bagong saing ang kanin.
 
Pwede rin kayong gumamit ng ibang parte ng manok. Paborito ko ang pakpak kaya ito ang ginamit ko at bagay kasi dito sa sauce, masarap sipsipin ang buto ng pakpak dahil sweet and spicy. 

Wednesday, March 11, 2020

Paano Gawin Ang Chicken Pop


Ang chicken pop ay madaling lutuin at tiyak magugustuhan ito ng mga mahal nyo sa buhay.

Sunday, March 8, 2020

Paano Lutuin ang Fried Chicken



Ang Fried Chicken or piniritong manok ay isa sa mga pinakapopular na putahe ng manok, kahit may iba't ibang paraan ng pagluluto ang mga tao dito, may iba di na nilalagyan ng harina o breading, may iba naman sili powder at harina ang ginagawang coating ng fried chicken, pero kahit ano pa man ang sangkap, basta't sinabing fried chicken, patok talaga sa lahat.

Friday, March 6, 2020

Paano Lutuin Ang Puso Ng Manok


Ang puso ng manok ay hindi gaanong binibigyan ng pansin, pero kung alam mo paano ito ihanda, masarap ang puso ng manok. Sa bansang Brasil isa ito sa mga parte ng manok na common gamitin bilang inihaw sa paraan nila na ang tawag ay "churrasco". Sa mga restaurant ay siniserve din ito sa mga a la cart. Ang paraan na maluto ito ng madali ay sa kawali. Pero kung may oras kayo pwede rin itong ilagay sa barbecue stick saka iihaw. Sa susunod ilalagay ko dito kung paano ang inihaw nito.

Friday, November 15, 2019

Paano Lutuin Ang Atay Ng Manok Na May Sarsa


Ang atay ng manok ay sagana sa Bitamina A na tumutulong pampalinaw ng mata at Bitamina B12 na tumutulong maiwasan ang anemia, pero mayroon itong mataas na content ng colesterol kaya dapat kumain lang ng katamtaman.Sagana rin ito sa folate na tumutulong para makalikha ng mga bagong celula sa ating katawan. Paborito ko ang atay ng manok, ikaw rin ba kabayan gusto mo ang atay ng manok?

Saturday, October 19, 2019

Paano Gawin Ang Chicken Roll




Ang chicken roll (chicken cordon bleu)ay isang putaheng madalas siniserve sa mga especial na okasyon, lalo na kung mula sa mga food catering services isa ito sa mga pambato nila, dahil bukod sa presentable ito ay masarap pa. Madali lang itong gawin mga kabayan kaya sana magustuhan nyo ang version kung ito.

Tuesday, July 23, 2019

How To Cook Pan Grilled Chicken



Si Malley at ako kapag nagluluto gusto naming dalawa yong mabilisan lang at madaling gawin, tulad nitong pan grilled chicken breast.

Sunday, June 2, 2019

How To Cook Fried Chicken



Ang Fried Chicken or piniritong manok ay isa sa mga pinakapopular na putahe ng manok, kahit may iba’t ibang paraan ng pagluluto ang mga tao dito, may iba di na nilalagyan ng harina o breading, may iba naman sili powder at harina ang ginagawang coating ng fried chicken, pero kahit ano pa man ang sangkap, basta’t sinabing fried chicken, patok talaga sa lahat.

Paano Lutuin Ang Chicken Afritada


masarap na chicken afritada, alamin  paano lutuin



Ang afritada ay isa sa mga sikat na putahe sa Pilipinas, lalo na sa mga special na okasyon. Madaling lutuin at masarap pa.
Kapag ito ang ulam siguradong busog  at masaya ang buong pamilya, subukan na. 

Wednesday, May 22, 2019

Paano Magluto ng Ginisang Manok


Simple lang ang recipe na ito at napakadaling lutuin pero super sarap. Paborito ko ang pakpak ng manok kaya ito ang ginamit ko, pero pwede namang gamitin ang ibang parte ng manok sa recipe na ito.
 

Tuesday, May 14, 2019

How To Cook Chicken Liver


Isa sa mga parte ng manok na paborito ko ay ang atay, Kumakain din nito si Malley (asawa ko) kapag wala ng iba ( laughing) but I always convince him to eat because it is nutritious, high in iron that can help in preventing anemia, at marami pang iba't ibang uri ng bitamina ang makukuha dito (vitamins B12, A, B6) at marami pang iba. Kaya kumain na tayo ng atay ayon sa pangangailngan ng ating kalusugan.

Mga sangkap:
  • 1 kilo atay ng manok
  • 4 kutsara toyo
  • luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 pulang bell pepper (hiniwa)
  • 1 tali sibuyas dahon (hiniwa)
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang luya, bawang at sibuyas, ilagay ang atay at igisa sa loob ng 5 minuto o hanggang sa lumabas ang katas ng atay.
  2. Ilagay ang toyo at bell pepper, haluing maigi at timplahan ng asin at paminta. Takpan at ituloy ang pagluluto sa mahinang apoy hanggang sa matapos saka ilagay ang dahon ng sibuyas at patayin ang apoy.
  3. Ihain kasama ng kanin.
English Version

Ingredients:
  • 4 kilos chicken liver
  • 4 tablespoons soy sauce
  • thumb size ginger ( sliced into strips)
  • 1 onion (sliced)
  • 1 red bell pepper
  • 1 bunch spring onion
  • salt and pepper to taste
Procedure:
  1. Saute ginger, garlic and onion, add the liver then simmer for 5 minutes.
  2. Add the soy sauce and bell pepper, mix well then season with salt and pepper. Cover and continue to cook in low heat until it is done, put the spring onion then turn off the heat.
  3. Serve with rice.

Monday, May 13, 2019

How To Cook Chicken Heart





Masarap! Dito sa Brasil ang puso ng manok ay isa sa mga kumon na pagkain, at sa mga street food nila tinutuhog ito sa barbecue stick at iniihaw o kaya ay parang sinasangag. Madali lang itong lutuin, ito ang ibabahagi ko kung paano.

Monday, November 19, 2018

Fried Wingette

Wingette is the middle section of the chicken wings and this is my favorite part!

Friday, September 21, 2018

Japanese Chicken Curry


Today I cooked Japanese chicken curry for my husband using the ready to use Japanese curry sauce from the supermarket, the GOLDEN CURRY. It tastes good.