Ang Avocado na May Gatas ay isa sa mga paborito kong simpleng merienda o panghimagas. Gusto ko ito dahil creamy, matamis, at madaling gawin gamit lamang ang hinog na avocado, condensed milk, at evaporated milk.
Hindi kailangan ng maraming sangkap o mahabang paghahanda para matikman ang masarap na avocado na may gatas. Hinahalo ko lang ang avocado at dalawang uri ng gatas, saka pinalalamig kung gusto ko itong mas refreshing. Masarap itong kainin pagkatapos kumain o bilang simpleng meryenda sa bahay.

















