Monday, December 29, 2025

Paano Magluto ng Masarap na Adobong Paa Ng Manok

 

Ang Adobong Paa ng Manok ay isa sa mga paboritong lutuing Pinoy na swak sa budget pero hitik sa lasa. Malambot, malasa, at bagay na bagay sa kanin, ito ay patunay na kahit simpleng sangkap ay puwedeng gawing espesyal kapag niluto nang tama.

 

 Mga Sangkap:

1 kilo paa ng manok, nalinis at tinanggal ang kuko
1/2 tasa toyo
1/2 tasa suka
4 butil bawang, dinikdik
2 dahon ng laurel
1 kutsarita paminta (buo o durog)
1 kutsarang asukal (opsyonal, pampabalanse ng lasa)
1 tasa Coke
2 kutsara oyster sauce
Mantika para sa pag-gisa
 

Paraan ng Pagluluto:

 1. Pakuluan muna ang paa ng manok sa tubig ng 10–15 minuto hanggang bahagyang lumambot. Itapon ang tubig at itabi ang paa ng manok.

2. Sa kawali o kaserola, magpainit ng kaunting mantika at igisa ang bawang hanggang mabango.Idagdag ang paa ng manok at haluin ng ilang minuto.
3. Ilagay ang toyo, suka, paminta, at dahon ng laurel, huwag haluin agad; hayaang kumulo ng 5 minuto.. Kapag kumulo na, saka ilagay ang Coke at pakuluin, kapag kumulo na haluin at hinaan ang apoy. Takpan at pakuluin ng 20–30 minuto o hanggang lumambot .
4. Idagdag ang oyster sauce  at asukal, ifinal ang lasa , pakuluin hanggang lumapot ang  sauce.
5. Patayin ang apoy at ihain habang mainit.

 

 

No comments:

Post a Comment