Saturday, December 27, 2025

Paano Magluto ng Chicken Teriyaki

 

Ang Chicken Teriyaki ay isang tanyag na lutuing Hapon na minamahal din ng maraming Pilipino dahil sa tamis-alat nitong lasa. Niluluto ito sa isang espesyal na sarsa na gawa sa toyo, asukal, at iba pang pampalasa, kaya nagiging makintab at malinamnam ang manok. Madali itong ihanda at swak na swak bilang ulam sa pang-araw-araw o baon sa paaralan.


Mga Sangkap:

1/2 kilo chicken breast o thigh, hiniwa
1/4 tasa toyo
2 kutsara brown sugar
1 thumb-size luya, ginadgad

3 kutsara mantika
1 kutsarita cornstarch (tunawin sa 2 kutsara tubig)
Paminta ayon sa panlasa
Sesame seeds at spring onions (pang-toppings, opsyonal)

Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang mangkok, paghaluin ang toyo, brown sugar,, luya, at paminta.
2. Ilagay ang manok sa marinade at ibabad ng 20–30 minuto.
3. Sa kawali, magpainit ng mantika at iprito ang manok hanggang maging light brown.
4. Ibuhos ang natitirang marinade at hayaang kumulo.
5. Idagdag ang cornstarch mixture at haluin hanggang lumapot ang sarsa.
6. Hinaan ang apoy at pakuluin pa ng ilang minuto hanggang maluto nang husto ang manok at kumapit ang sarsa.
7. Patayin ang apoy at budburan ng sesame seeds at spring onions bago ihain.

Note:
Mas masarap ang Chicken Teriyaki kapag inihain kasama ng mainit na kanin o gulay gaya ng broccoli at carrots.

No comments:

Post a Comment