Kung naghahanap ka ng ulam na madaling gawin pero siguradong patok sa buong pamilya, ang Crispy Pork Chop ang perfect na choice. Malutong sa labas, malasa at juicy sa loob—sakto pang-ulam sa tanghalian o hapunan, at kayang gawin kahit sa simpleng sangkap lang.
Mga Sangkap:
4 piraso pork chop
asin at paminta na panimpla
1 itlog
½ tasa harina
½ tasa bread crumbs or Panko
Mantika (pangprito)
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ang pork chop ng asin at paminta o kung anomang flavor enhancer ang gusto mong gamitin. Let it set for 20 minutes para maabsorb ang lasa.
2. Sa isang bowl batihin ang itlog at lagyan ng kunting asin. Set aside.
3. Ilagay ang harina sa isang bowl at ang bread crumbs ilagay din sa isang bowl.Igulong sa harina ang pork chop, pagkatapos nito ay isawsaw sa itlog saka pagulungin sa bread crumbs.
4. Painitin ang mantika sa katamtamang init. Iprito ang pork chop hanggang maging golden brown at crispy sa magkabilang side.
Patuluin sa paper towel para maalis ang sobrang mantika.
5. Ihain habang mainit, kasama ng kanin or french fries at salad.
Air Fryer Version
I-preheat ang air fryer sa 180°C sa loob ng 5 minuto.
Ilagay ang pork chop sa air fryer basket. I-brush o i-spray ng kaunting mantika ang ibabaw.
I-air fry sa 180°C sa loob ng 12–15 minuto. Baliktarin sa kalagitnaan at lagyan ulit ng kaunting mantika.
Itaas sa 200°C sa huling 3–5 minuto para mas maging crispy.
Ihain habang mainit, masarap kasama ng gravy, ketchup, o chili sauce.
Note:
Huwag siksikin ang basket para pantay ang pagkaluto at pagiging crispy. Kung makapal ang pork chop, dagdagan pa ng ilang minuto ang pagluluto.

No comments:
Post a Comment