Ang Balbacua ay isang masarap at malinamnam na lutuing Pilipino na kilala sa Visayas at Mindanao. Isa itong slow-cooked dish na gawa sa baka, lalo na ang mga bahagi na may litid at balat, kaya nagiging malapot at malasa ang sabaw. Karaniwan itong inihahain sa mga espesyal na okasyon o bilang pampainit ng katawan tuwing malamig o maulan ang panahon. Dahil sa mahabang pagpapakulo, talagang sulit ang bawat higop at subo nito.
Mga Sangkap:
2 kilo paa ng baka (Hiniwa na)
1 sibuyas, hiniwa
1 thumb-size luya, hiniwa
Asin at paminta ayon sa panlasa
Tubig (sapat para matakpan ang karne)
Siling labuyo o siling haba (opsyonal)
Spring onions o dahon ng sibuyas (pang-toppings)
Paraan ng Pagluluto:
1. Hugasang maigi ang karne at ilagay sa malaking caldero kasama ng sibuyas, at luya .
2. Lagyan ng sapat na tubig at pakuluin. Kapag kumulo na hinaan ang apoy at palambutin ang karne sa loob ng 2–3 oras (mas mabilis kung pressure cooker).
3. After 1 hour lagyan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa o kung ano pang flavor enhancer ang nais nyong idagdag at patuloy na pakuluin hanggang sa lumambot.
4. Kapag malambot na, Idagdag ang sili kung gusto ng may anghang. Pakuluin pa ng 5–10 minuto.
5. Tikman at i-adjust ang timpla. Patayin ang apoy at budburan ng spring onions bago ihain.
Note:
Mas lalong sumasarap ang balbacua kapag kinabukasan na ininit muli dahil mas lalong kumakapit ang lasa.

No comments:
Post a Comment