Ang Ginisang Sitaw ay isang simpleng putahe ng gulay na masarap, masustansya, at madaling ihanda. Madalas itong niluluto sa bahay dahil mura ang sangkap at bagay na bagay kainin kasama ng malamig o mainit man na kanin. Maaari rin itong haluan ng karne o hipon depende sa iyong panlasa.
Mga Sangkap:
2 tali ng sitaw, hiwain
2 kutsarang mantika
3 butil ng bawang, tinadtad
1 sibuyas, hiniwa
200 gramo baboy, hiwain
2 kutsara toyo
Asin at paminta, ayon sa panlasa
1/2 tasa ng tubig
Paraan ng Pagluluto:
1. Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang sibuyas hanggang bahagyang magkulay brown saka idagdag ang bawang, haluin hanggang magisang maigi.
2. Ilagay ang baboy at lutuin hanggang maging kulay brown saka idagdag ang sitaw at haluing mabuti.
3. Lagyan ng tubig, takpan, at hayaang kumulo ng 5–7 minuto hanggang maluto ang sitaw.
Timplahan ng toyo at paminta ayon sa panlasa or kung anomang flavor enhancer ang gusto nyong gamitin. Lagyan ng asin kung kailangan.
4. Haluin at lutuin pa ng ilang minuto bago patayin ang apoy.
Note:
Masarap kapartner ng pritong isda o itlog

No comments:
Post a Comment