Wednesday, January 21, 2026

Paano Magluto ng Bam-i



Ang Bam-i ay isang klasikong lutuing Bisaya na karaniwang hinahain tuwing may handaan o espesyal na okasyon. Pinagsasama nito ang dalawang uri ng pansit—sotanghon at canton— Masarap ito, masustansya, at punô ng sahog kaya paborito ng maraming Pilipino.
 
 Mga Sangkap:

250 g sotanghon
250 g canton
200 g baboy (hiniwa nang manipis)
200 g chinese sweet sausage (bilbao) hiniwa
3 cloves bawang (tinadtad)
1 sibuyas (hiniwa)
2 tasa repolyo (hiniwa)
1 tasa carrots (strips)
5 tasa tubig or broth
3 tbsp toyo
2 tbsp oyster sauce (optional)
Asin at paminta ayon sa panlasa 
Mantika para sa paggisa
 
 Paraan ng Pagluluto:

1. Ibabad ang sotanghon sa tubig hanggang lumambot, saka patuluin at itabi.
2. Painitin ang mantika sa kawali. Igisa ang bawang at sibuyas hanggang lumabas ang aroma.
3. Idagdag ang baboy at lutuin hanggang maging brownish at medyo malambot.
4. Isunod ang choriso bilbao at gisahin ng 2 minuto.
5. Ibuhos ang tubig o broth, pakuluin ng ilang minuto saka idagdag ang toyo, at oyster sauce. 
6. Isunod ang sotanghon at canton ,  haluing mabuti hanggang magsama ang dalawang pansit at lutuin hanggang maging half cooked.
7. Ilagay ang mga gulay (carrots & repolyo). Lutuin ng 2–3 minuto lamang.
8. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa or kung anomang flavor enhancer ang gagamitin nyo.
9. Kapag luto na ay pwede ng hanguin at ihain habang mainit.

Note:
Pwede ring combinasyon ng:
bihon at miki
Sotanghon at miki
nasa sa inyo kung ano ang preferred nyo.


No comments:

Post a Comment