Ang lechon baboy ay isa sa pinakamalaki at pinakamasarap na handa sa mga espesyal na okasyon sa Pilipinas. Ito ang bida sa fiesta, birthday, at kahit simpleng salu-salo kapag gusto ng buong pamilya ng tunay na lutong Pinoy. Bagama’t mukhang komplikado, kayang-kaya itong gawin basta kompleto ang gamit, maayos ang timpla, at may tiyaga sa pag-iihaw.
Narito ang malinaw at praktikal na paraan ng pag-lechon ng baboy.
INGREDIENTS:
1 buong baboy (15–25 kg; mas maliit = mas mabilis maluto)
8–10 stalks tanglad (lemongrass)
3 buong ulo ng bawang, dinurog
5–6 sibuyas, hiniwa
1 tali ng dahon ng sibuyas (spring onions)
10–12 pcs laurel leaves
Salt (kabuuang gagamitin ay depende sa laki ng baboy; approx. 1/2–1 cup)
2 kutsara Paminta
12 oz. Sprite (optional, pampalambot at pampalasa)
Mantika (pang-brush habang iniihaw)
KAGAMITAN
Mahabang kawayan o stainless rod (pang-salaksak)
Uling / kahoy
Brush para sa oil
Tali o kawad na pang-seal
PAGHAHANDA NG BABOY:
Linisin ang buong baboy sa loob at labas. Patuyuin gamit ang malinis na tela.
Timplahan ang loob – budburan ng asin at paminta.
Ilagay sa loob ang tanglad, bawang, sibuyas, spring onions, at laurel.
Kung gusto mo, ibuhos ang Sprite sa loob para sa dagdag lambot at aroma.
Tahiin o itali ang tiyan ng baboy para hindi lumabas ang palaman.
Isalaksak ang kawayan/rod mula ulo hanggang puwitan, siguraduhing naka-center at balanse.
PAG-IHAW:
Painitin ang ihawan gamit ang uling — dapat medium heat (hindi sobrang init para hindi masunog ang balat agad).
Ilagay ang baboy sa ibabaw, nakalutang nang mga 2–3 feet mula sa uling.
Iikot nang dahan-dahan ang baboy kada 5–10 minuto para pantay ang pagkaluto.
Habang naluluto, i-brush ang balat ng mantika paminsan-minsan para maging makintab at crispy.
Cooking time: 3–5 oras depende sa laki ng baboy.
Kapag pantay na golden brown at malutong ang balat, tusukin ang parte ng laman para makita kung lutong-luto (dapat malinaw ang juice na lumalabas).
SERVING:
Ipatong sa malaking mesa o chopping board.
Hayanong magpahinga ang lechon ng 10–15 minuto bago hiwain.
Iserve kasama ng lechon sauce, suka na may bawang, o spicy liver sauce.

No comments:
Post a Comment