Ang lugaw tokwat baboy ay isa sa mga paborito nating pagkaing Pinoy, simple, comforting, at perfect sa kahit anong oras ng araw. Pinagsasama nito ang malapot at mainit na lugaw, ang malasang soft-boiled na baboy, at ang sarap ng tokwa’t baboy sauce. Kung naghahanap ka ng pagkaing pampainit ng sikmura o gusto mo lang ng classic na merienda, ito ang recipe na siguradong tatama sa panlasa.
INGREDIENTS para sa Lugaw:
1 cup rice (masarap kung kalahating malagkit, kalahating regular)
8 cups water
1 medium onion, chopped
3 cloves garlic, minced
1 thumb ginger, sliced
1 tbsp cooking oil
Salt and pepper to taste
INGREDIENTS para sa Tokwa’t Baboy:
300g pork liempo o tenga, pakuluin hanggang malambot
3–4 pcs tokwa (fried & cubed)
1/3 cup soy sauce
1/4 cup vinegar
1 medium onion, sliced
2 cloves garlic, minced
1–2 tsp sugar (optional)
1–2 siling labuyo, chopped (optional)
PROCEDURE:
A. Lutuin ang Lugaw
Sa kaserola, igisa ang bawang, sibuyas, at luya hanggang bumango.
Idagdag ang bigas at haluin ng 1–2 minuto.
Ilagay ang tubig saka pakuluin. Kapag kumulo na hinaan ang apoy at hayaan itong kumulo hanggang maluto. Haluin paminsan minsan.
Kapag malapot na at lutong-luto na ang bigas, timplahan ng asin at paminta or kung gusto nyong gumamit ng mga flavor enhancers nasa sa inyo .
B. Gawin ang Tokwa’t Baboy
Pakuluan ang baboy hanggang lumambot, pagkatapos ay hiwain sa bite-sized pieces.
Sa isang bowl, pagsamahin ang toyo, suka, bawang, sibuyas, asukal, at sili. Tikman at i-adjust ayon sa iyong panlasa..
Ihalo ang tokwa at baboy sa sawsawan. Hayaan itong ma-absorb ang lasa, saka ihain sa buong pamilya.
Enjoy
Note:
pwedeng lagyan ng nilagang itlog, dahon ng sibuyas at patis

No comments:
Post a Comment