Sunday, December 7, 2025

Hamburger na Gawa sa Puso ng Saging

Ang burger na gawa sa puso ng saging ay masustansya, mura, at masarap—perfect na alternatibo sa karne! Malasa, malambot, at madaling gawin.


Mga Sangkap:

1 malaking puso ng saging, pinakuluan at tinadtad
1 medium sibuyas, pinino
3 cloves bawang, tinadtad
1 pc itlog (optional pang-bind)
½ cup harins
2 kutsarita toyo
1 kutsarita   paminta powder
 asin (adjust to taste)
Mantika para sa pagprito

Para sa assemble:
Burger buns
Lettuce, kamatis,
Ketchup, mayo, cheese (optional)


Paraan ng Paggawa:
1. Ihanda ang puso ng saging
Balatan ang puso ng saging at pakuluin ng 10–15 minutes.
Pigain nang mabuti para maalis ang kapaitan.
Tadtarin nang pino.

2. Gawin ang burger mixture sa isang bowl, pagsamahin ang tinadtad na puso ng saging, sibuyas, bawang, itlog, harina, toyo, asin at  paminta.
Haluing mabuti hanggang maging malagkit at kayang i-shape.

3. Bumuo ng patties
Kumuha ng portion at i-shape nang bilog at flat na parang burger patty.

4. Iprito sa mainit na mantika ang patties hanggang golden brown at bahagyang crispy (3–4 minutes per side).

5. I-assemble

Initin ang burger buns.

Lagyan ng lettuce, patty, kamatis, pipino, at iyong paboritong sauce.









No comments:

Post a Comment