Thursday, August 13, 2026

One-Pot Chicken Alfredo Pasta Recipe – Creamy, Easy, and Family Favorite

 

Ultra-realistic One-Pot Chicken Alfredo Pasta served in an elegant white ceramic bowl, featuring creamy Alfredo pasta with tender chicken and Parmesan cheese, professional food photography, blog-ready composition. 

Ang One-Pot Chicken Alfredo Pasta ay isang creamy at masarap na pasta dish na niluluto sa iisang kaserola. Pinagsasama nito ang malambot na manok, pasta, at rich creamy sauce kaya perpekto ito para sa mabilis na tanghalian o hapunan.

Sa recipe na ito, matututunan mong gumawa ng homemade Chicken Alfredo Pasta na kaunti lamang ang huhugasan pagkatapos magluto ngunit puno ng lasa.

 Mga Sangkap:

500 g boneless chicken breast, hiniwa sa maliliit na piraso
250 g fettuccine o penne pasta
4 butil ng bawang, dinikdik
1 medium sibuyas, hiniwa
2 kutsara mantikilya
2 tasa chicken broth o tubig
1 tasa fresh milk
1 tasa all-purpose cream
1 tasa grated Parmesan cheese
1 kutsarita Italian seasoning (mabibili sa supermarket)
Paminta at asin ayon sa panlasa
2 kutsara hiniwang parsley

Paraan ng Pagluluto:

1. Tunawin ang mantikilya sa isang malaking kaserola sa katamtamang init, igisa ang sibuyas at bawqang hanggang lumabas ang aroma.
2.  Ilagay ang manok at sangkutsain hanggang bahagyang magkulay brown.
3. Idagdag ang chicken broth o tubig, Italian seasoning, paminta at asin ayon sa panlasa saka pakuluin.
4. Ilagay ang pasta at haluing paminsan-minsan habang niluluto hanggang lumambot.
5. Idagdag ang fresh milk at all-purpose cream saka haluing mabuti, ituloy ang pagluluto hanggang  maging creamy at lumapot ang sauce at luto na ang pasta, saka ilagay ang parmessan cheese at haluing maigi.
6. Budburan ng hiniwang parsley.
7. Ihain habang mainit.

Cooking Tips:

1. Haluing paminsan-minsan ang pasta upang hindi dumikit sa ilalim ng kaserola.
2. Gumamit ng bagong grated Parmesan cheese para sa mas creamy na sauce.
3. Huwag pakuluan nang matagal ang cream upang hindi ito maghiwalay.
4. Maaari kang magdagdag ng mushrooms o broccoli para sa dagdag na gulay.
5. Ihain kaagad habang mainit upang mapanatili ang creamy na texture.

FAQs:

1. Maaari bang ibang pasta ang gamitin?
Oo. Penne, fusilli, o spaghetti ay maaari ring gamitin.

2. Maaari bang evaporated milk ang gamitin?
Oo, ngunit magiging bahagyang iba ang creaminess kumpara sa fresh milk.

3. Paano ito iimbak?
Ilagay sa airtight container at i-refrigerate nang hanggang 3 araw.

4. Maaari ba itong i-freeze?
Hindi ito inirerekomenda dahil maaaring magbago ang texture ng creamy sauce.

5. Maaari bang lagyan ng bacon?
Oo. Mas magiging malasa pa ito kapag nilagyan ng crispy bacon.

Ang One-Pot Chicken Alfredo Pasta ay isang creamy at madaling ihanda na pagkain na siguradong magugustuhan ng buong pamilya. Dahil sa one-pot method, mas mabilis ang pagluluto at mas kaunti ang huhugasan pagkatapos kumain.

 Beef morcon Recipe 

Beef Kare-kare Recipe 

No comments:

Post a Comment