Paano Magluto Ng Paksiw Na Galunggong
Simpleng luto pero masarap. May mga kaibigan ako ayaw nila ng paksiw,
pero para sa akin isa ito sa mga paborito kong putahe ng isda. Madaling
lutuin at masarap.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo galunggong
- 3 piraso siling haba
- 2 butil bawang (dinikdik)
- kunting luya (hiniwa)
- 1/2 tasa suka
- asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
- Pagsama-samahin sa lutuan ang lahat ng mga sangkap takpan at hayaang
kumulo hanggang sa maluto. Timplahang maigi bago patayin ang apoy.
- Ihain.
No comments:
Post a Comment