Mga Sangkap
Para sa Manok
500 grams Chicken breast ( hiniwa bite size)
1 itlog (binate)
½ tasa cornstarch
½ tasa all-purpose flour
Asin at paminta na panimpla
Mantika para sa pagprito
Para sa Sweet and Sour Sauce
½ tasa ketchup
¼ tasa suka
¼ tasa brown sugar
2 kutsara toyo
½ tasa tubig
1 kutsara cornstarch na tinunaw sa 2 kutsarang tubig
Mga Gulay
1 pulang bell pepper, hiniwa
1 tasa pineapple chunks
1 sibuyas, hiniwa
1 karot, hiniwa ayon sa gusto mo
Hiniwang dahon ng sibuyas para sa garnish
Paraan ng pagluluto:
1.Timplahan ng asin at paminta ang manok. Isawsaw sa binating itlog, saka pagulungin sa pinaghalong cornstarch at all-purpose flour.
2.Painitin ang mantika at iprito ang manok hanggang maging golden brown at malutong. Patuluin at itabi.
3.Sa isang kawali, pagsamahin ang ketchup, suka, brown sugar, toyo, at tubig. Pakuluin habang hinahalo.
4.Idagdag ang tinunaw na cornstarch at haluin hanggang sa lumapot ang sauce.
5.Ilagay ang bell pepper, sibuyas, karot, at pinya. Lutuin lamang ng 2–3 minuto upang manatiling malutong at sariwa ang mga gulay.
6.Idagdag ang pritong manok at haluing mabuti hanggang sa mabalot ng makintab at malinamnam na sweet and sour sauce.
7.Budburan ng hiniwang dahon ng sibuyas at ihain habang mainit kasama ng kanin.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.