Sunday, June 21, 2026

Piniritong Puno ng Pakpak Ng Manok



 
Isa sa masarap prituhin na bahagi ng manok ay ang puno ng pakpak nito or kung tawagin sa English ay drumette, gusto ko ang bahagi na ito dahil may laman at buto kaya malinamnam, at napakadali pang lutuin kaya ito ang paborito kong parte ng manok. Ikaw kabayan ano ang paborito mong bahagi ng manok?

Mga sangkap:
500g puno ng pakpak ng manok 
1 itlog binati 
1 tasa bread crumbs 
asin ayon sa iyong panlasa
pamintang durog ayon sa iyong panlasa
mantika na pangprito

Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta, haluing maigi. Ilagay ang itlog at ituloy ang paghalo hanggang well coated ng egg ang manok.
2. Pagulungin sa bread crumbs at prituhin hanggang sa maluto.


3. Ihain kasama ang sawsawan.






No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.