Thursday, May 7, 2026

Paano Magluto ng Giniling Guisado

 

Ang Giniling guisado ay isa sa mga pinakasikat at madaling lutuing pagkaing Pilipino. Masarap ito, budget-friendly, at bagay na bagay ipares sa mainit na kanin. Karaniwang ginagamit ang giniling na baboy o baka na ginisa kasama ng gulay tulad ng patatas, carrots, at peas. Maaari rin itong lagyan ng itlog o sabawan depende sa gusto ng pamilya. Perfect itong ulam para sa tanghalian o hapunan dahil mabilis lang itong ihanda at swak sa panlasa  ng buong pamilya.


Mga Sangkap:

 
1/2 kilo giniling na baboy o baka
2 butil ng bawang, tinadtad
1 sibuyas, hiniwa
1 patatas, diced
1 carrot, diced
1/2 tasa green peas
2 kutsara toyo
1 kutsara oyster sauce (optional)
1 tasa tubig (dagdagan kung kailangan)
Asin at paminta ayon sa panlasa
2 kutsara mantika


Paraan ng Pagluluto:

 
1. Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang bawang hanggang magkulay golden brown.
Idagdag ang sibuyas at lutuin hanggang lumambot.

2. Ilagay ang giniling na karne at haluin hanggang masangkutsang maigi, saka timplahan ng toyo, oyster sauce, asin, at paminta.

3.Idagdag ang patatas at carrots. Haluin at hayaan ng 2 minutos  saka lagyan ng tubig, takpan at pakuluan hanggang lumambot ang gulay.
4. Ilagay ang green peas at lutuin pa ng 2 minuto.
5. Tikman at dagdagan pa ng pampalasa kung kinakailangan, saka ihain habang mainit.


Tips
Maaari kang maglagay ng raisins para magkaroon ng bahagyang tamis.
Kung gusto mo ng mas masabaw, dagdagan lamang ang tubig.
Mas masarap ito kapag may kasamang pritong itlog at mainit na kanin.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.