Ang Sotanghon Soup with Eggs and Crab Sticks ay isang magaan ngunit masustansyang pagkain na madaling ihanda sa bahay. Pinagsasama nito ang malambot na sotanghon, malinamnam na sabaw, eggs, crab sticks, at sariwang gulay na siguradong magugustuhan ng buong pamilya.
Mainam itong ihain sa malamig na panahon, bilang pampainit sa hapunan, o kapag gusto mo ng masustansya at madaling tunawin na pagkain. Ang kombinasyon ng eggs at crab sticks ay nagbibigay ng kakaibang lasa at magandang presentasyon sa bawat mangkok.
Kung naghahanap ka ng mabilis, masarap, at budget-friendly na comfort food, subukan ang Sotanghon Soup with Eggs and Crab Sticks recipe na ito.
Mga Sangkap:
200 gramo sotanghon noodles
12 pirasong nilagang itlog binalatan
10 pirasong crab sticks, hiniwa nang pahilis
2 kutsara mantika
3 butil bawang, tinadtad
1 medium sibuyas, hiniwa
1 medium carrot, hiniwa sa manipis na strips
2 tasa repolyo, hiniwa
6 tasa tubig o vegetable broth
Paminta at Asin ayon sa panlasa
2 tangkay spring onions, hiniwa
Paraan ng Pagluluto:
1.
Painitin ang mantika sa isang kaserola at igisa ang sibuyas at bawang
hanggang lumabas ang aroma.
2. Ilagay ang tubig o vegetable broth, kapag kumulo na timplahan ng paminta at asin.
3. Ilagay ang sotanghon at lutuin ng 3 minuto o hanggang lumambot saka idagdag ang carrots at crab sticks lutuin ng 3 minuto.
4. Idagdag ang repolyo at itlog at hayaang maluto nang halos 1 minuto lamang upang manatiling bahagyang malutong ang gulay.
5. Tikman at dagdagan ng asin kung kinakailangan saka patayin ang apoy.
6. Budburan ng hiniwang spring onions bago ihain.
Cooking Tips
Huwag labis na lutuin ang sotanghon upang hindi ito maging sobrang lambot.
Idagdag ang crab sticks sa huling bahagi ng pagluluto upang mapanatili ang kanilang texture.
Gumamit ng homemade chicken broth para sa mas malinamnam na sabaw.
Ilagay ang repolyo sa pinakahuling bahagi upang manatili itong bahagyang malutong at matingkad ang kulay.
Maaari kang magdagdag ng sesame oil bago ihain para sa mas mabangong lasa.
FAQs
1. Maaari bang gumamit ng fish balls o seafood balls?
Oo, maaari mo itong idagdag o ipalit sa crab sticks depende sa iyong panlasa.
2. Ano ang maaaring ipalit sa repolyo?
Maaaring gumamit ng pechay, bok choy, o sayote.
3. Maaari bang gumamit ng chicken stock cubes?
Oo, maaari itong gamitin kung walang homemade chicken broth.
4. Gaano katagal maaaring itago ang sopas?
Maaari itong itago sa refrigerator nang hanggang 2 araw, ngunit mas mainam na hiwalay ang sotanghon upang hindi ito lumambot.
5. Ano ang pinakamainam na ihain kasama nito?
Masarap itong kainin bilang magaan na pagkain o ipares sa pandesal o toasted bread.
Ang Sotanghon Soup with Quail Eggs and Crab Sticks ay isang masarap, magaan, at masustansyang comfort food na madaling ihanda anumang araw ng linggo. Sa kombinasyon ng malinaw na sabaw, malambot na sotanghon, quail eggs, at crab sticks, siguradong magiging paborito ito ng buong pamilya.

No comments:
Post a Comment