Ang Adobo ay isa sa mga paborito kong lutuing Filipino dahil napakaraming paraan para ihanda ito. Isa sa mga version na gusto kong ibahagi ay ang Long Pork Ribs Adobo, isang masarap at malinamnam na adobo na perfect para sa buong pamilya.
Sa recipe na ito, niluluto ko ang long ribs kasama ang bawang, toyo, suka at tubig hanggang lumambot ang karne. Ang gusto ko sa version na ito ay saucy ang finished adobo at hindi soupy, habang ang pork ribs ay malambot at punong-puno ng savory na lasa.

