Nakakain na po ba kayo ng marang? Ang marang ay isang uri ng prutas na katutubo sa Borneo, Palawan at Mindanao, ako bilang taga Mindanao (Davao) ang marang ay isa sa mga paborito kong prutas dahil sagana ito sa amin sa mga buwan ng Agosto hanggang Oktubre, kasabay ng mga rambutan, lansones, mangosteen at durian.