Kapag nagkikita kita kaming mga magkakaibigan ang madalas naming kinakain habang nagkukuwentuhan ay nilagang mani. Kaya naisipan kong ipost ito ngayon.
Tuesday, June 18, 2019
How To Cook Boiled Peanut
Kapag nagkikita kita kaming mga magkakaibigan ang madalas naming kinakain habang nagkukuwentuhan ay nilagang mani. Kaya naisipan kong ipost ito ngayon.
Monday, June 17, 2019
How To Cook Garlic Butter Shrimp
Ang hipon na may mantikilya at bawang ay isa sa mga kumon at bantog na putahe ng hipon. Nasa sa iyo na kung gusto mong balatan na ang hipon o hindi. Napakadaling lutuin at simple lang ang mga sangkap.
Sunday, June 16, 2019
How To Cook Sirloin Steak
Kapag mga ganitong putahe na ang binabanggit, ang iniisip natin sa restaurant na kakain para masarap at special, pero ang totoo napakadaling ihanda ang steak, di mo na kailangang pumunta pa sa restaurant para makakain ng mga ganyang putahe. Bumili ka na lang ng kalahating kilo ng rump steak or sirloin at ikaw na ang magluto, samahan mo ng pang side dish para masaya.
Mga sangkap:
- 2 hiwa ng sirloin na may kapal na 2.5 sentimetro
- asin at paminta na panimpla
- 2 kutsara mantikilya
- Timplahan ang karne ng asin at paminta.
- Ilagay sa kawali ang mantikilya, kapag mainit na ay ilagay ang karne at lutuin ito sa loob ng 5 minuto o hanggang sa maging luto ayon sa iyong gusto, baliktarin paminsan minsan para pantay ang pagkakaluto nito. Lagyan ng asin at paminta bago ito hanguin.
- Kapag luto na ay maari na itong ihain kasama ng kanin o kung anoman ang gusto mong kapares nito.
Ingredients:
- 2 slices sirloin around 2.5 cm in thickness
- salt and pepper to taste
- 2 tablespoon butter
- Season the sirloin with salt and pepper.
- In a pan heat the butter then put the sirloin and cook for 5 minutes or until it is cooked to your desired doneness, turning each side so that it will be cooked evenly. Season again with salt and pepper if needed before serving.
- Serve with rice or any side dish that you like.
Paano Gawin Ang Ensaladang Labanos
Isa sa mga gulay na nasa kantang “Bahay Kubo” ang labanos. Ito ay masarap gawing ensalada at kaining kasabay ng anomang pinirito o inihaw na ulam. Masarap din itong panlagay sa sinigang pero mas gusto ko ito bilang ensalada, at higit sa lahat gusto ko ang radish dahil isa ito sa mga gulay na mababa ang calories pero maraming maidudulot na mabuti sa kalusugan lalo na sa ating digestive system dahil sagana ito sa fiber. Magandang pangdetox.
Saturday, June 15, 2019
Subscribe to:
Posts (Atom)




