Sunday, April 12, 2020

Paano Lutuin Ang Crispy Pata Para Maging Malutong

Malutong na Crispy pata  sa white plate.



Isa sa mga sikat na pagkaing Pinoy ang crispy pata lalo na sa mga special na handaan, lalo na kapag ito ay malutong siguradong magugustuhan ng lahat.
 
 Madali lang itong lutuin mga kababayan, pero ingat lang sa pagpipirito para di mapaso.

Mga sangkap:
1 pirasong pata (malinis na)
3 litrong tubig (dagdagan kung kailangan)
3 butil ng bawang (dinikdik)
1/2 kutsarita ng pamintang durog
1 kutsarang asin
2 litro mantika

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa malaking caldero ilagay ang tubig, asin, paminta, bawang at pata, pakuluan hanggang sa lumambot. Kapag malambot na hanguin ang pata at patuluin ilagay sa refrigerator ng walang takip para matuyo.
2. Initin ang mantika sa kawali sa katamtamang apoy, kapag mainit na, ilagay ang pata at prituhin hanggang sa maluto ito. 
3. Hanguin at ihain kasama ng paborito mong sawsawan.

Cooking Tips
 1. Makakatulong na wag itong lutuin agad kundi ilagay muna sa ref ng walang takip para maalis ang extra moisture para mas malutong.

2. See to it sapat ang init ng mantika habang pinipirito ito para hindi maging makunat.



 

No comments:

Post a Comment