Sunday, March 15, 2020

Paano Magluto Ng Masarap Na Ginataang Sitaw


May iba't ibang paraan ng pagluto ng ginataang sitaw, pero ito ang paraan ko dahil alam ko mas masarap ito 😃
 


Mga Sangkap:

2 tali sitaw
200 grams hipon (malinis na)
1 tasa purong gata
1 tasa malabnaw na gata 
2 butil ng bawang (dinikdik)
kunting  luya at sibuyas 
asin ayon sa iyong panlasa

Paraan ng  pagluluto:

1.Igisa ang bawang, ilagay ang hipon, gisahing maigi hanggang maging half cooked saka ilagay sa plato, set aside.
2. Sa kawaling pinagisahan ng hipon maglagay ng 1 tasa malabnaw na gata, luya at sibuyas saka pakuluin, pagkumulo na ilagay ang sitaw, pakuluan hanggang maging half cooked saka ilagay ang  ginisang hipon at purong gata, haluin at timplahan ayon sa iyong panlasa at pakuluin hanggang maluto. Pwedeng maglagay ng sili kung gusto mo ng medyo maanghang
3.
Ihain kasama ng kanin at matamis na ngiti 😃

No comments:

Post a Comment