Showing posts with label seafood. Show all posts
Showing posts with label seafood. Show all posts
Tuesday, May 21, 2024
Paano Lutuin ang Halabos na Alimasag
Thursday, May 16, 2024
Thursday, July 30, 2020
Paano Lutuin Ang Tiyan Ng Bangus (Iwas Talsik Mantika)
Bumili ako ng 1 bangus na malaki, ang buntot at ulo ginawa kong paksiw at ang tiyan ay pinirito. Mmmmmm ang sarap!
Thursday, April 9, 2020
Ginisang Sardinas
Kaming dalawa ni Malley (my husband) ay mahilig sa sardinas, sa kanya nilalagay sa tinapay, akin inuulam sa kanin :). Kaya I see to it na may stock ng sardinas para kung need ng madaliang paghahanda ng makakain meron kaagad magagawa. Tulad ngayon si Malley nasa London kaya nagisa na lang ako ng sardinas, tara kain tayo.
Thursday, March 19, 2020
Paksiw Na Ulo Ng Isda
Ang paksiw ay isa sa mga putahe na napakadaling lutuin. May mga kaibigan ako ayaw kumain ng paksiw dahil ayaw nila ang amoy ng suka, para sa akin masarap ang paksiw at nakakagana ang amoy ng suka. Ito ang paborito kong bahagi ng isda ang ulo, dahil masarap ang mata ng isda, (nasubukan nyo na bang kumain ng mata ng isda?) kahit anong luto basta ulo ng isda gustong gusto ko, lalo na ang paksiw, kaya ito ang ibabahagi kong putahe ngayon.
Saturday, March 14, 2020
Crispy Hipon
Maraming ng iba't ibang putahe ng hipon ang aking nagawa, pero itong breaded shrimp or crispy hipon ang aking napakadalas lutuin, kapag may handaan dahil bukod sa madaling gawin ay masarap pa.
Monday, March 9, 2020
Paano Lutuin Ang Talaba
Isa sa pinakamasarap na lamang dagat ang talaba, malinamnam at sagana sa calcium at bitamina A, mababa din ang calories ng talaba. Sa Pilipinas mayroong talaba festival ang bayan ng Sibugay, Zamboanga at Alaminos, Pangasinan. Mayroong iba't ibang paraan ng pagluluto nito gaya ng kilawin, ginisa, steamed, baked, inihaw, at marami pang iba. Ang ibabahagi ko ngayon ay kung paano ito i-bake.
Sunday, December 8, 2019
Wednesday, December 4, 2019
Paano Lutuin Ang Halabos na Hipon
Ang halabos na hipon ang sinaunang paraan ng pagluluto ng hipon nang hindi pa uso ang kuryente, para matagal bago ito masira kahit hindi nakalagay sa refrigerator. Niluluto ito, na asin lang ang nilalagay para mapreserve.
Mga Sangkap
1/2 kilo hipon
1/2 kutsarita asin
Paraan ng pagluluto:
1. Painitin ang kawali saka ilagay ang hipon at asin, sa malakas na apoy lutuin ito at madalas haluin hanggang sa maluto.
2. Kapag luto na ito pwede na itong iulam o ilagay sa garapon at takpang maigi para hindi kaagad masira.
Monday, December 2, 2019
Thursday, October 3, 2019
Paano Magluto Ng Adobong Pusit
Sa pagluluto ng pusit para hindi makunat dapat 5-8 minuto lang, kapag lumampas diyan ay kukunat na sya, ang solusyon kapag kumunat na ay pakuluan mo na ng halos isang oras para lumambot.
Tuesday, October 1, 2019
Paano Gawin Ang Bangus Sisig
Isa sa mga putaheng masarap ang sisig, nasanay tayo sa sisig na karne, subukan naman natin itong bangus.Super sarap din po mga kabayan.
Tuesday, July 30, 2019
Paano Gawin Ang Bangsilog
Bangsilog is another Filipino combo meal composed of Bangus ( milkfish) Sinangag(Fried Rice) and Itlog ( Egg).
This is easy to prepare just clean the milkfish, add salt, lime or calamansi juice then fry until golden brown.
Fry the egg, then set aside.
For the fried rice, just saute the garlic then add a cup of rice and stir properly until done.
Arrange the fried milkfish, fried egg and fried rice in a platter and serve with a smile :-).
Bangus = BANG
Sinangag= SI
Itlog=LOG --------->BANGSILOG
Kung may balak kang magtinda ng mga SILOG (tapsilog, longsilog, etc) isama mo na ito sa menu mo o ihain mo sa pamilya mo para masaya :-).
Sunday, July 7, 2019
Paano Lutuin Ang Halabos Na Alimasag
Ang halabos ay isang paraan ng pagluluto na pinakasimple at napakadaling gawin dahil iluluto mo lang sa asin ang sangkap. Madalas hinahalabos ay lamang dagat dahil mabilis lang itong maluto tulad ng hipon, alimango, alimasag at mga kauri nito.
Sa paghahalabos ng alimasag, una hugasang maigi ang alimasag at patuluin ang tubig. I lagay sa kawali at lagyan ng asin na sapat para sumarap ang halabos. Lutuin sa malakas na apoy at haluin madalas para maging pantay ang pagkakaluto.
Kapag naluto na ihain ito. Super sarap!
Thursday, July 4, 2019
Paano Magluto Ng Paksiw Na Galunggong
Simpleng luto pero masarap. May mga kaibigan ako ayaw nila ng paksiw, pero para sa akin isa ito sa mga paborito kong putahe ng isda. Madaling lutuin at masarap.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo galunggong
- 3 piraso siling haba
- 2 butil bawang (dinikdik)
- kunting luya (hiniwa)
- 1/2 tasa suka
- asin at paminta na panimpla
- Pagsama-samahin sa lutuan ang lahat ng mga sangkap takpan at hayaang kumulo hanggang sa maluto. Timplahang maigi bago patayin ang apoy.
- Ihain.
Monday, July 1, 2019
Shrimp With Soft Drink
Nasubukan mo na bang magluto ng hipon at sinabawan mo ng soft drink? Well, kung hindi pa subukan mo dahil tiyak magugustuhan mo ito, lalo na kung mahilig ka sa medyo matamis na ulam.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo hipon
- 2 butil bawang (dinikdik)
- 1/2 tasa Sprite,Royal o Coke
- 2 kutsara toyo
- dahon ng sibuyas
- asin at paminta na panimpla
- Igisa ang bawang, ilagay ang hipon at haluing maigi.
- .Ilagay ang soft drink at toyo, pakuluin ito 5 minuto or hanggang sa maluto ang hipon at haluin paminsan minsan at timplahan ng asin at paminta.
- Kapag luto na ay ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain.
Ingredients:
- 1/2 kilo shrimps
- 2 cloves garlic (minced)
- 1/2 cup Sprite, Royal or Coke
- 2 tablespoons soy sauce
- spring onion
- salt and pepper to taste
- Saute the garlic then add the shrimps and stir well.
- Add the soft drink and soy sauce then simmer for 5 minutes or until the shrimps are cooked, while stirring occasionally then season with salt and pepper.
- Garnish with spring onion then serve.
This is very yummy!
Thursday, June 27, 2019
How To Make Grape Seaweed Salad
Mula noong bata pa ako ay gustong gusto ko na itong grape seaweed o lato kung tawagin namin (Davao). Hinuhugasan itong maigi saka tinitimplahan kapag kakainin agad, pero kung hindi kakainin agad mas maganda kung gagawa ka lang ng sawsawan nito para manatili syang fresh, dahil pagnababad sa suka ng matagal at pumuputok sya.
Mga Sangkap:
- 2 tasa lato (hugasang maigi)
- 2 kamatis (hiniwa)
- 1 sibuyas (hiniwa)
- 1/2 tasa suka
- asin panimpla
- Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
- Ihain kasama ng paborito mong ulam.
Ingredients:
- 2 cups grape seaweeds (cleaned well)
- 2 tomato (sliced)
- 1 onion (sliced)
- 1/2 cup vinegar
- salt to taste
- Combine all the ingredients and mix well.
- Serve with your favorite viand.
Saturday, June 22, 2019
Paano Magluto Ng Paksiw Sa Gata
Isa sa mga gusto ng asawa ko ang putaheng ito, lalo na ang sabaw dahil malinamnam.
Mga sangkap:
- 2 piraso tilapia o anomang isda na gusto nyo (malinis na at hiniwa)
- 1 sibuyas (hiniwa)
- luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
- 2/3 tasa suka
- 1 tasa kakang gata
- asin at paminta na panimpla
- Ilagay sa kaldero ang suka, sibuyas, luya at isda, takpan at pakuluan hanggang sa maluto ang isda.
- Ilagay ang gata at timplahan ng asin at paminta, pakuluin ang gata hanggang sa maluto.
- Ihain ng mainit.
Ingredients:
2 tilapia or any fish ( cleaned )
1 medium size onion Sliced)
thumb size ginger (sliced)
3/4 cup vinegar
1 cup coconut milk
salt and pepper to taste
Procedure:
1. In a cooking pot put the vinegar, onion, ginger and the fish then cover and bring to a boil.Simmer until the fish is cooked.
2. Add the coconut milk, pepper and salt to taste, simmer until done.
3. Serve it hot.
Thursday, June 20, 2019
How To Make Clam Soup
Maliliit lang pero siksik sa sarap ang sabaw ng halaan. Higop na!
Mga Sangkap:
- 1/2 kilo halaan
- luya kasing laki ng hinlalaki ( hiniwa)
- 1 sibuyas (hiniwa)
- 1 kamatis (hiniwa)
- 1 1/2 tasa tubig
- sibuyas dahon
- asin panimpla
- Igisa ang luya, sibuyas at kamatis, saka ilagay ang halaan at igisa ito hanggang sa bumuka.
- Ilagay ang tubig at hayaang kumulo ng 10 minuto o hanggang sa maluto. Timplahan ng asin.
- Ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain. Higop na!
Ingredients:
- 1/2 kilo clams (hugasang maigi)
- thumb size ginger (strips)
- 1 onion (sliced)
- 1 tomato (sliced)
- 1 1/2 cup water
- spring onion
- salt to taste
- Saute the ginger, onion and tomato then add the clams and saute for 2 minutes or until the shells opened.
- Add the water and boil for 10 minutes or until done. Do not forget to season with salt.
- Add the spring onion then serve in a bowl and enjoy.
Wednesday, June 19, 2019
How To Cook Milkfish Paksiw
Isa sa mga paborito kong putahe sa bangus ay paksiw, masarap at nakakagana yong saktong asim ng suka, mmmmmmm sarap.
Mga sangkap:
Ingredients:
Mga sangkap:
- 1 bangus (hiniwa at malinis na)
- 1/2 tasa suka
- 1/2 tasa tubig
- 3 piraso siling haba
- luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
- 1 maliit sibuyas (hiniwa)
- 2 butil bawang (dinikdik)
- Ilagay sa kaldero ang lahat ng mga sangkap maliban sa tubig at pakuluin, kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at hayaang kumulo hanggang sa maging halfed cooked ang isda.
- Ilagay ang tubig at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda.
- Ihain kasama ng maraming kanin.
Ingredients:
- 1 milkfish ( sliced and cleaned)
- 1/2 cup vinegar
- 1/2 cup water
- 3 pieces chili finger
- thumb size ginger (sliced)
- 1 small onion (sliced)
- 2 cloves garlic (crushed)
- salt and pepper to taste
- In a pot put all the ingredients except the water then allow to boil, when boiling reduce the heat and simmer until the fish is half cooked.
- Add the water and continue to boil until the fish is fully cooked.
- Serve it hot with extra rice.
Subscribe to:
Posts (Atom)