Ginawa ko ito para give away noong birthday naming mga May celebrants dito sa Filipino community sa Florianopolis Brazil. Nagustuhan ng lahat kaya ishare ko ang mga sangkap at paraan paano ko ito ginawa.
Masarap itong sawsawan kahit anong klase ng prito o inihaw gulay man o karne,
Mga Sangkap:
1 litro suka
1 ½ tasa tubig
2 tasa asucar
½tasa ketchup
1 kutsara asin
1 kutsaritang paminta powder
1 buong bawang ( pino)
1 buong sibuyas (pino)
15 piraso siling labuyo (pino)
100 gramo luya (strips)
Paraan ng paggawa:
Sa isang malaking mixing bowl pagsamasamahin ang lahat ng mga sangkap sangkap at haluing maigi.
Tapos na! ganyan lang kadali 😀 may masarap na sawsawan ka na. Enjoy
Note: Iadjust nyo na lang ang timpla ayon sa inyong panglasa specially sa anghang, alat at tamis ,