Ang inihaw na baboy ay isa sa mga paborito kong ulam, mmmmm sarap lalo na kapag ang sawsawan mo ay nanonoot sa dila ang lasa, pagkagat mo ng inihaw mapapapikit ka sa sarap :-). Masarap na parte para sa inihaw ay ang liempo dahil ito ay kombinasyon ng laman at taba, juicy ang inihaw kapag maykasamang taba.
Mga sangkap:
1 kilo liempo ng baboy (hiniwa na pang ihaw)
1/2 tasa katas ng calamansi
1/2 tasa ng toyo
asin ayon sa iyong panlasa (pero kung ang toyo ay sapat sa alat di na kailangan maglagay ng asin)
pamintang durog ayon sa iyong panlasa
Paraan ng Pagluluto:
1. Pagsamasamahin ang lahat ng sangkap at ibabad ng 30 minuto bago lutuin.
2. Magpabaga ng uling sa ihawan, kapag nakahanda na ay pwede ng iihaw ang binabad na liempo.
3. Alisin sa pinagbabaran at huwag itapon ang katas ng pinagbabaran
dahil ipapahid natin ito sa carne habang iniihaw. Kung walang katas ang
pinagbabaran pwedeng gumawa ng toyo at calamansi lagyan ng kunting mantika para ito ang ipapahid sa carne
habang iniihaw. Nakakatulong ito para lalong sumarap ang inihaw.
4. Kapag luto na ay hiwain ayon sa laki na gusto mo at ihain kasama ng kanin at paborito mong sawsawan.
Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.
4. Kapag luto na ay hiwain ayon sa laki na gusto mo at ihain kasama ng kanin at paborito mong sawsawan.
Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

No comments:
Post a Comment