Tuesday, September 8, 2026

Crispy Sisig Recipe – Easy Filipino Pork Sisig

 

Ultra-realistic Filipino Crispy Sisig made with crispy pork, chopped onions, calamansi and chili served on an elegant white ceramic plate.

Ang Crispy Sisig ay isang masarap na Filipino dish na pinagsasama ang malutong na pork, sibuyas, calamansi at sili. Masarap ito bilang ulam kasama ng mainit na kanin o bilang pulutan na puwedeng ihain sa pamilya at mga bisita.

Ang sikreto sa masarap na Crispy Sisig ay ang pagluluto ng pork hanggang maging malutong ang labas habang nananatiling malasa at juicy ang loob. Pagkatapos ay hinahalo ito sa sibuyas, calamansi at iba pang pampalasa para magkaroon ng maasim, maalat at savory na lasa na bagay na bagay sa crispy pork.

 Mga Sangkap:

500 gramo pork belly
1 malaking sibuyas, pinong tinadtad
4 butil ng bawang, tinadtad
2 kutsara toyo
2 kutsara katas ng calamansi
5 siling haba o siling labuyo, tinadtad
1 kutsara mantika
Paminta at Asin ayon sa panlasa

Paraan ng Pagluluto:


1. Ilagay ang pork belly sa isang kaldero at lagyan ng sapat na tubig. Pakuluan hanggang lumambot at maluto ang karne.
2. Hanguin ang pork at patuluin nang mabuti. Hayaang lumamig nang kaunti saka pirituhin hanggang maging crispy. Alisin sa mantika saka palamigin bago hiwain o tadtarin sa maliliit na piraso.
3. Sa isang kawali, magpainit ng 1 kutsara mantika igisa ang sibuyas at bawang hanggang bumango saka idagdag ang sili, haluin hanggang magisang maigi.
4.Ilagay ang  tinadtad na pork belly at sangkutsain saka ilagay ang toyo, asin at paminta ayon sa panlasa. Haluing mabuti upang mabalutan ang crispy pork ng mga pampalasa.
5. Lutuin pa nang kaunti hanggang maghalo ang mga lasa, ngunit iwasang maluto nang sobra ang pork para manatiling crispy, saka ilagay ang katas ng calamansi haluing maigi at patayin ang apot pagkatapos ng 1 minuto.
6. Ilagay sa serving plate at ihain habang mainit.

Cooking Tips:

1. Patuluin at patuyuin nang mabuti ang pork bago ito iprito upang mas madaling maging crispy.
2. Idagdag ang calamansi malapit sa pagtatapos ng pagluluto para manatiling sariwa ang asim nito.
3. Huwag masyadong lutuin ang sibuyas kung gusto mong magkaroon ito ng kaunting crunch sa bawat kagat.
4. Ihain agad ang Crispy Sisig habang mainit upang mas ma-enjoy ang malutong na texture ng pork.

FAQs:


1. Ano ang Crispy Sisig?
Ang Crispy Sisig ay isang Filipino dish na gawa sa maliliit na piraso ng crispy pork na hinaluan ng sibuyas, sili, calamansi at iba pang pampalasa.

2. Anong bahagi ng baboy ang magandang gamitin?
Magandang gamitin ang pork belly dahil mayroon itong tamang kombinasyon ng karne at taba na nagbibigay ng malasa at crispy na resulta.

3. Paano magiging crispy ang pork?
Lutuin ang pork hanggang matuyo ang sobrang moisture at lumabas ang sariling mantika nito. Ipagpatuloy ang pagluluto hanggang maging golden brown at crispy ang mga gilid.

4. Maaari bang bawasan ang sili?
Oo. Bawasan ang sili kung ayaw mo ng maanghang na sisig. Maaari rin itong alisin kung ihahain sa mga batang kakain.

5. Ano ang magandang ihain kasama ng Crispy Sisig?
Masarap itong ihain kasama ng mainit na kanin. Maaari rin itong gawing pulutan o ihain bilang appetizer.


Ang Crispy Sisig ay isang madaling paraan para gawing mas exciting ang klasikong Filipino sisig. Ang kombinasyon ng malutong na pork, sariwang sibuyas, sili at calamansi ay nagbibigay ng savory, maasim at crunchy na bawat kagat.

 Egg Sisig Recipe

Eggplant SIsig Recipe 

Pritong Dalag Recipe 

No comments:

Post a Comment