Kitang kita sa larawang ito na kaakit akit ang balat ng baboy. Niluto
ko lang ito sa oven, sa paraan na magiging malambot sya, yong sinasabi
nila sa English na "it melts in your mouth" super crsipy ang balat pero
super lambot ang karne, perfect!!!!
Mga sangkap:
2 kilo tiyan ng baboy
asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahang maigi ng paminta at asin ang karne.
2.
Ilagay ang temperatura ng oven sa 130༌C at ipasok ang karne na
nakalagay sa baking pan at lutuin ito sa loob ng 3 horas, oo 3 horas,
siguradong malambot ito, yong matutunaw sa bibig mo kapag sinubo mo.😃
3.
Pagkatapos ng 3 horas ilagay ang temperatura sa 200༌C at ituloy ang
pagluluto sa loob ng 8-10 minuto o hanggang sa maging malutong ang balat
tulad ng nasa larawan.
Ang oras at
temperatura na nilagay ko dito ay base sa oven na gamit ko. Pakicheck na
lang din kapag sinubukan nyo ito, kung hindi sapat ang 3 horas pwedeng
iadjust ang oras ng pagluluto hanggang sa maging perfect ang finish
product.
Ang pakbet Tagalog ay isang putahe na
binubuo ng iba't ibang masasarap na gulay tulad ng kalabasa, okra, sitaw
at iba pa,kaya talagang masarap ang putaheng ito. Ang pakbet tagalog
ay may kalabasa pero ang original na pakbet na mula sa Ilocos Region ay
walang kalabasa at may sabaw ng bagoong na isda, pero parehong masarap
ang mag kaibang putahe na ito.
Mga Sangkap:
2 kilo kalabasa (hiniwa)
4 piraso talong (hiniwa
1 tali sitaw (hiniwa)
2 piraso ampalaya (hiniwa)
8 piraso okra (hiniwa)
2 butil bawang dinikdik
1/2 sibuyas (hiniwa)
1/4 kilo baboy (hiniwa)
2 kutsara bagoong alamang
2 tasa tubig
mantika
asin
Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas, ilagaay
aang karne at sangkutsahin hanggang sa medyo brown na, ilagay ang
bagoong at igisa ito sa loob ng 2 minuto. Lagyan ng tubig at pakuluin.
2. Ilagay ang kalabasa at pakuluan hanggang sa malapit ng maging half cooked.
3.Lakasan ang apoy at ilagay ang lahat
ng mga gulay at haluing madalas hanggang sa maluto, timplahan ng asin
kung kailangan saka patayin ang apoy.
4. Ihain kasama ng kanin. 😆
Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.
Paksiw na sakto sa asim at asin mmmmmm sarap!😄
Mga Sangkap:
1 kilo isda (malinis na)
1 tasa suka
luya kasing laki ng hinlalaking daliri (hiniwa)
3 butil ng bawang (dinikdik)
5 piraso siling haba
asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
1. Ilagay ng maayos sa kaldero ang lahat
ng mga sangkap, takpan at lutuin sa katamtamang init ng apoy.Hayaang
kumulo sa loob ng 7 minuto.
2. Timplahang maigi ng asin at paminta,
kung gusto mo ng masmarami ang sabaw pwedeng dagdagan ng suka at kung
masyadong maasim ang suka dagdagan ng kaunting tubig para maneutralize
ang asim. Ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 3 minuto at patayin ang
apoy.
3. Ihain kasama ang kanin.
Ang
pagluluto ng isda kung ilang minuto ay depende sa laki at kapal nito.
Kapag nasa 1 inch lang ang kapal maluluto ito sa loob ng 10 minuto.
Alam ko familiar kayo sa sisig, pero nakarinig na ba kayo ng sisig na itlog? Well, ito na ang sisig na mamahalin nyo ng buong puso lalo na ng mga ayaw sa carne, masarap at madaling lutuin.
Ako ang unang nagluto nito kasi wala sa internet kahit isearch nyo :)
Mga sangkap:
3 piraso itlog (binati)
2 piraso siling haba (chopped)
3 piraso kalamansi ( kinatas)
2 butil bawang (dinikdik)
1 sibuyas (hiniwa ng maliliit)
paminta at asin na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
1. Pirituhin ang itlog at hiwain ng maliliit.
2. Igisa ang bawang, sibuyas at sili, kapag medyo brown na ay ilagay ang hiniwang pritong itlog saka haluing maigi, saka ilagay ang katas ng kalamansi at timplahan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa, haluing maigi at patayin ang apoy pagkatapos ng isang minuto.
3. Ilagay ang dahon ng sibuyas bago ihain :)
Ang sarap nito!
Ang halabos na hipon ang sinaunang
paraan ng pagluluto ng hipon nang hindi pa uso ang kuryente, para
matagal bago ito masira kahit hindi nakalagay sa refrigerator. Niluluto
ito, na asin lang ang nilalagay para mapreserve.
Mga Sangkap
1/2 kilo hipon
1/2 kutsarita asin
Paraan ng pagluluto:
1. Painitin ang kawali saka ilagay ang hipon at asin, sa malakas na apoy lutuin ito at madalas haluin hanggang sa maluto.
2. Kapag luto na ito pwede na itong iulam o ilagay sa garapon at takpang maigi para hindi kaagad masira.
Patok na patok sa mga bata ang bola-bolang ito dahil cheesy na masarap pa.
Mga sangkap:
1 kilo giniling na baka (pwedeng palitan ng baboy o manok)
1 piraso malaking green bell pepper (maliliit na hiwa)
1 piraso malaking red bell pepper (maliliit na hiwa)
1 piraso sibuyas (maliliit na hiwa)
asin ayon sa iyong panlasa
paminta ayon sa iyong panlasa
keso (diced)
mantika- pangprito
Paraan ng pagluluto:
1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap at haluing maigi. Hatiin sa 12 na pantay pantay na bahagi.
2. Bawat bahagi ay pormahing bola-bola at palamanan ng keso, bilugin maigi na talagang selyado ang keso.
3. Initin ang mantika saka prituhin sa
katamtamang init ng apoy ang bola-bola para unti-unting maluto pati
loob, dahil kung malakas na malakas ang apoy, ang mangyayari sunog na
ang labas pero ang loob ay hilaw pa.
4. Kapag luto na ay hanguin ito, patuluin ang mantika sa paper towel, at ihaing kasama ng paborito mong sawsawan.
Masarap ang potahe na ito, malutong at malinamnam, subukan nyo.
Mga Sangkap:
1/2 kilo tahong
1 tasa harina
1 tasa bread crumbs o Panko
1 itlog binati kasama ang 1/4 tasa na tubig
kunting asin at paminta
mantika para pagprituhan
Paraan ng Pagluluto:
1. Isangag o pakuluan ang tahong
hanggang sa maluto, palamigin at alisin ang laman. Timplahan ng kaunting
asin at paminta ang laman ng tahong.
2. Pagulungin ito sa harina, pagkatapos ay isawsaw sa itlog at pagulungin sa bread crumbs.
|
harina, itlog, panko |
3. Initin ang mantika at prituhing palubog ang tahong, kapag luto na ay hanguin ito.
4. Ihain kasama ng anomang sawsawan o salad.