Ang halabos ay isang paraan ng pagluluto na pinakasimple at napakadaling gawin dahil iluluto mo lang sa asin ang sangkap. Madalas hinahalabos ay lamang dagat dahil mabilis lang itong maluto tulad ng hipon, alimango, alimasag at mga kauri nito.
Sa paghahalabos ng alimasag, una hugasang maigi ang alimasag at patuluin ang tubig. I lagay sa kawali at lagyan ng asin na sapat para sumarap ang halabos. Lutuin sa malakas na apoy at haluin madalas para maging pantay ang pagkakaluto.
Kapag naluto na ihain ito. Super sarap!
Simpleng luto pero masarap. May mga kaibigan ako ayaw nila ng paksiw,
pero para sa akin isa ito sa mga paborito kong putahe ng isda. Madaling
lutuin at masarap.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo galunggong
- 3 piraso siling haba
- 2 butil bawang (dinikdik)
- kunting luya (hiniwa)
- 1/2 tasa suka
- asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
- Pagsama-samahin sa lutuan ang lahat ng mga sangkap takpan at hayaang
kumulo hanggang sa maluto. Timplahang maigi bago patayin ang apoy.
- Ihain.
Sino ang hindi naglalaway kapag narinig ang salitang buko salad?
Marinig ko pa lang ang salitang buko salad, naglalaway na agad ako
kasi isa ito sa mga paborito ko. Lagi itong present sa handaan ng
aming pamilya, dahil meron kaming ga puno ng niyog, at madali rin itong
gawin.
Mga sangkap:
- 6 piraso buko ( kinuskos na)
- 1/2 kilo nata de coco (salain)
- 3 (290ML) all purpose cream
- 1 (300ML)condensada
- 1 pinakamalaking lata Fruit Cocktail (salain)
Paraang ng paghahanda:
- Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
- Palamigin bago ihain.
English Version
Ingredients:
- 6 pieces young coconut (scraped)
- 1/2 kilo coconut gel (drained)
- 3 box all purpose cream (290ML)
- 1 can condense milk (300ML)
- 1 biggest can fruit cocktail (drained)
Procedure:
- Combine all the ingredients and mix well.
- Refrigerate before serving.
Nasubukan mo na bang magluto ng hipon at sinabawan mo ng soft drink?
Well, kung hindi pa subukan mo dahil tiyak magugustuhan mo ito, lalo na
kung mahilig ka sa medyo matamis na ulam.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo hipon
- 2 butil bawang (dinikdik)
- 1/2 tasa Sprite,Royal o Coke
- 2 kutsara toyo
- dahon ng sibuyas
- asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
- Igisa ang bawang, ilagay ang hipon at haluing maigi.
- .Ilagay ang soft drink at toyo, pakuluin ito 5 minuto or hanggang sa
maluto ang hipon at haluin paminsan minsan at timplahan ng asin at
paminta.
- Kapag luto na ay ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain.
English Version
Ingredients:
- 1/2 kilo shrimps
- 2 cloves garlic (minced)
- 1/2 cup Sprite, Royal or Coke
- 2 tablespoons soy sauce
- spring onion
- salt and pepper to taste
Preparation:
- Saute the garlic then add the shrimps and stir well.
- Add the soft drink and soy sauce then simmer for 5 minutes or until
the shrimps are cooked, while stirring occasionally then season with
salt and pepper.
- Garnish with spring onion then serve.
This is very yummy!
Ang okra ay isa sa mga gulay na paborito ko dahil masarap at masustansya. Sagana ang okra sa fiber na nakakatulong sa digestion.
Isang madaling paraan ng pagluluto ng okra ay ang ilaga ito o i-steam.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo Okra (malinis na)
- 6 tasa tubig
Paraan ng Paghahanda:
- Ilagay sa kaldero ang tubig at pakuluin, kapag kumulo na ay ilagay
ang okra at pakuluan hanggang sa maluto.Kapag luto na ay hanguin ito
agad para hindi malata.
- Gumawa ng sawsawan bago ito ihain.
Maraming pwedeng gawing sawsawan para sa okra, gaya ng toyo at calamansi, suka na may paminta at bawang.
Dito sa picture ang nilagay na sawsawan ay katas ng bagoong, nilagyan ng calamansi at pritong bawang, mmmmm sarap!
English Version:
Ingredients:
- 1/2 kilo okra (cleaned)
- 6 cups water
Preparation:
- Put the water in a pot and bring to a boil, when it is boiling put
the okra, and let boil until cooked. Remove from water so that it will
not be overcooked.
- Make a dipping sauce before serving.
You can make different flavors of dipping sauces for this.
Mula noong bata pa ako ay gustong gusto ko na itong grape seaweed o
lato kung tawagin namin (Davao). Hinuhugasan itong maigi saka
tinitimplahan kapag kakainin agad, pero kung hindi kakainin agad mas
maganda kung gagawa ka lang ng sawsawan nito para manatili syang fresh,
dahil pagnababad sa suka ng matagal at pumuputok sya.
Mga Sangkap:
- 2 tasa lato (hugasang maigi)
- 2 kamatis (hiniwa)
- 1 sibuyas (hiniwa)
- 1/2 tasa suka
- asin panimpla
Paraan ng paghahanda:
- Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
- Ihain kasama ng paborito mong ulam.
English Version
Ingredients:
- 2 cups grape seaweeds (cleaned well)
- 2 tomato (sliced)
- 1 onion (sliced)
- 1/2 cup vinegar
- salt to taste
Procedure:
- Combine all the ingredients and mix well.
- Serve with your favorite viand.
Isa sa mga masasarap na putahe ng sabaw ang nilagang baka, masarap na gawing nilaga ang buto-buto dahil malinamnam ang lasa.
Mga Sangkap:
- 1/2 kilo buto-buto ng baka
- 1/4 kilo pechay (malinis na)
- 1 sibuyas (hiniwa)
- 1 kamatis (hiniwa)
- 3 patatas (hiniwa)
- 1 tali sitaw(hiniwa)
- 8 tasa tubig (pwedeng dagdagan kung kailangan)
- luya kasing laki ng hinlalaki
- asin at paminta panimpla
Paraan ng Pagluluto:
- Ilagay sa kaldero ang luya,sibuyas, kamatis at buto-buto ng baka, takpan hanggang sa maalis ang kulay dugo sa karne.
- Ilagay ang tubig at hayaan itong kumulo hanggang sa lumambot ang karne saka ilagay ang patatas at pakuluan hanggang maaluto.
- Lakasan ang apoy saka ilagay ang pechay at sitaw, timplahan ng asin at paminta, patayin ang apoy pagkatapos ng 2 minuto.
- Ihain habang mainit.
Enlish Version
Ingredients:
- 1/2 kilo beef ribs
- 1/4 kilo bok choi
- 1 small size onion (sliced)
- 1 tomato (sliced)
- 3 pieces potato (sliced)
- 1 bunch string beans (sliced)
- 8 cups water ( add water if necessary)
- thumb size ginger
- salt and pepper to taste
Procedure:
- In a pot put the ginger, onion, tomato ang beef ribs, cover and let simmer until the pinkish color of the meat is gone.
- Add the water then let simmer until the meat is tender, then add the potato and simmer until cooked.
- Increase the heat to high then add the bok choi, string beans, salt and pepper to taste and simmer for 2 minute.
- Serve it hot.