Sa Sweet and Spicy Chicken wings recipe na ito siguradong magugustuhan ng buong pamilya lalo na kung mahilig kayo sa tamis-anghang na lasa. Napakasarap lalo na kung bagong saing ang kanin.
Pwede rin kayong gumamit ng ibang parte ng manok. Paborito ko ang pakpak kaya ito ang ginamit ko at bagay kasi dito sa sauce, masarap sipsipin ang buto ng pakpak dahil sweet and spicy.
Mga Sangkap:
Para sa manok:
1 kilo chicken wings, hiwain
1/2 tsp salt
1/2 tsp black pepper
1 tsp garlic powder (optional)
3 tbsp cornstarch
Para sa sweet & spicy sauce:
3 tbsp butter
5 cloves garlic, minced
2 tbsp soy sauce
4 tbsp ketchup
2 tbsp brown sugar
1–2 tbsp hot sauce (hal. Sriracha) – adjust sa anghang na gusto mo
1 tbsp vinegar
¼ cup water
Paraan ng Pagluluto:
1.Timplahan ng salt, pepper, at garlic powder ang wings at budburan ng corn starch then rest for 10 minutes bago prituhin
2. Magpainit ng mantika saka iprito ang wings hanggang maging golden brown at crispy. Then set aside dahil gagawin pa natin ang sweet and spicy sauce.
3. Sa pagawa ng sauce, tunawin ang butter sa kawali saka igisa ang bawang hanggang lumabas ang aroma.
4. Idagdag ang soy sauce, ketchup, brown sugar, hot sauce, vinegar, at water, haluin hanggang kumulo at lumapot.
5. Kapag luto na ang sauce pwede ng ilagay ang crispy wings at haluing maigi until fully coated.
6. Serve with rice and enjoy.
Note:
Budburan ng sesame seeds, fried garlic o sibuyas dahon kung meron.

No comments:
Post a Comment